Ang buhay ay maihahalintulad sa isang tanghalan…..
May simula, kasukdulan, denoument at katapusan…..
Mayroon din itong mga istorya, tagpuan, at mga tauhan….
At higit sa lahat, ito’y mayroong iba’t ibang uri….
Mayroong komedya, drama, aksyon at trahedya…..
Ang pagtaas at pagbaba ng telon ng tanghalan ay hudyat ng umpisa at katapusan ng pagtatanghal….
At sa bawat pagbaba ng telon, lahat ay nagpapalakpakan….
Sapagkat ang mga manonood ay nahandugan ng kaligayahan…
Sa buhay ng tao, walang telon na itinataas o ibinababa….
At wala ring mga manonood na nagpapalakpakan sa katapusan…
Sapagkat ang tauhan at manonood ay tanging ikaw lamang…
Na siyang huhusga kung ang buhay mo ba’y naging makabuluhan…..
Ang espasyong ito’y naglalayong bigyang kulay ang mga pangyayari sa ating pang-araw araw na pamumuhay sa pamamagitan ng mga istoryang maaring nakakatawa o nakakaiyak….ngunit ang bawat kuwentong dito’y malalathala ay siguradong kukurot sa inyong mga puso….
Sa araw na ito….ika-labingwalo ng Hulyo ay itataas ang telon ng tanghalang ito….pagtataas na sana’y mapalitan ng palakpakan bago umabot sa pagbaba ng telon ng tuluyan….
Halika’t sumama….buksan na natin ang telon!